-- Advertisements --

Lumabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Kristine nitong alas-6:00 ng Sabado ng gabi.

Ayon sa PAGASA, napanatili ng bagyo ang kanyang lakas kung saan papalo ito ng hanggang 185 kph at may pagbugsong aabot ng 230 kph.

Inaasahang tatahakin ng naturang sama ng panahon ang direksyon patungong Rykyu Islands sa Japan at sa Korean Peninsula.

Wala naman umanong direktang epekto ang bagyo sa magiging panahon sa Pilipinas.

Gayunman, nagbabala ang weather bureau na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-alon sa eastern seaboards ng Luzon at Visayas.