-- Advertisements --

Lalo pang dumami ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number one.

Inaasahan din ang paglakas nito hanggang supertyphoon category bago ang landfall sa Biyernes.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 760 km East of Catarman, Northern Samar.

May lakas ito ng hangin na 55 km/h at pagbugsong 70 km/h.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 15 km/h.

Nakataas na ngayon ang tropical cyclone wind signal number one:

Luzon
Southeastern portion ng Isabela (Palanan, Dinapigue), Aurora, northern at eastern portions ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres, General Nakar, Pitogo, San Francisco, Calauag, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real) kabilang na ang Pollilo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate pati na ang Ticao Island at Burias Island.

Visayas
Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte.

Mindanao
Dinagat Islands at Surigao del Norte kasama na ang Siargao – Bucas Grande Group.

Inaasahang lalakas ito sa susunod na magdamag bilang tropical storm at malaki ang tyansang magdala ng matinding mga pag-ulan sa malaking parte ng ating bansa.