Ngayon lamang daw nagkalakas ng loob si Kristoffer Martin na aminin sa publiko na isa na siyang certified daddy kung saan apat na taong gulang na ang kanyang anak.
Ayon sa 26-year-old actor, humingi muna kasi ito ng “sign” sa Diyos kung tamang panahon na ba para ipakilala sa publiko ang baby girl nitong si Precious Christine.
May palayaw na “Pre,” anak niya ito sa dating non showbiz girlfriend mula Olongapo.
Bagama’t hindi sila nagkatuluyan ng ina ni Pre, mananatili aniya silang mabuting magulang.
“Actually, I’m happy. Itong kay Prè ha, sobrang tagal ko nang gustong ilabas. As in sobra, sabi ko, ‘Lord, pengeng sign. Isang tao lang. Talaga may isang …ano lang. Proud ako na nagawa ko ito kasi she deserves this. She really deserves this,” saad nito kasabay ng pag-post ng larawan nilang mag-ama.
Noong nakaraang taon ay naharap si Martin sa pagsubok matapos tamaan ng coronavirus ang kanyang mga magulang at kapatid ngunit suwerteng nakarekober.