Hindi na umano papatulan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang mga batikos na kanilang natanggap kanina sa Senado na mistulang walang sapat na ginagawa ang kanilang tanggapan para masolusyunan ang problema sa trapiko.
Ayon kay Tugade, kung ito raw ang kaligayahan ng kanilang mga kritiko, hahayaan daw nila ang mga itong magpakasaya.
Pero giit ng kalihim, tuloy ang kanilang paghahanap ng alternatibong solusyon, lalo na kung tuluyang mabibigo ang kahilingan nilang magkaroon ng emergency power ang Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang trapiko sa EDSA at mga pangunahing lansangan sa buong bansa.
Una rito, nagisa ng mga senador ang DOTR officials dahil sa bihirang pagdalo sa hearings at pagpapasaring na ayaw umano ng mga mambabatas na ibigay ang emergency powers.