-- Advertisements --

Nasa coma ngayon sa pagamutan ang kilalang opposition lider ng Russia na si Alexei Navalny.

Ito ay matapos umano siyang lasunin.

Ayon sa tagapagsalita nito na si Kira Yarmysh, sumama ang pakiramdam ni Navalny habang ito ay nasa eroplano kaya napilitan silang mag-emergency landing sa Omsik.

Galing sila sa Tomsk at patungo sa Moscow ng mangyari ang insidente.

Hinihinalang may naglagay ng lason sa kaniyang ininom na tsaa.

Naging masugid na kritiko ni Russian President Vladimir Putin ang 44-anyos na si Navalny.

Pinakahuling pagbatikos nito ay noong aprubahan ang constitutional reforms na nagpapalawig sa termino ni Putin.

Tinawag nito ang nasabing batas na paglabag sa konstitusyon.

Nagpaabot naman ng mabilisang paggaling ang opisina ni Putin.

Naglabas naman na pagkabahala si British Foreign Secretary Dominic Raab sa nasabing nangyarin kay Navalny.