Ipinagtanggol ng kinatawan ng Maynila si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. laban sa mga kritisismo ni Vice President Sara Duterte na makasisira lamang umano sa imahe ng bansa.
Sinabi ni Chua na hindi nito personal na kakilala ang mga Marcos pero ang dapat umanong gawin ng bawat isa ay suportahan ang kasalukuyang administrasyon at tumulong upang masolusyunan ang mga problema para sa kapakanan ng bansa.
“Alam po ninyo, ako po sa totoo lang, wala naman po akong personal na galit kahit kanino sa kanila dahil hindi ko naman po sila parehas kilala eh. Kaya lang bilang parte ng kasalukuyang administrasyon dahil lahat po kami parte eh – whether opposition ka, whether administrasyon ka, parte ka ngayon ng administrasyon. Siyempre lahat po kami, gusto namin maging matagumpay iyong kasalukuyang administrasyon,” sabi ni Chua.
Ayon kay Chua ang walang basehang kritisismo ng Ikalawang Pangulo ay mayroong negatibong epekto sa bansa gaya ng magiging hindi magandang pagtingin ng mga mamumuhunan sa Pilipinas.