Matapos ang magpatupad ng big time rollback noong nakalipas na linggo, nag-anunsiyo ang mga kompaniya ng langis ng pagtataas na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes, Marso 29.
Sa magkahiwalay na advisories mula sa Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil magtataas ng presyo ng gasolina ng P3.40 kada litro at sa diesel P8.65 simula alas-6:00 ng umaga.
Nag-anunsiyo naman ang Seaoil ng pagtataas sa presyon ng kerosina ng P9.40 kada litro.
Sa hiwalay namang advisory, magpapatupad ang Jetti ng taas presyo sa diesel ng P8.45 kada litro, sa gasolina naman sa accelrate ay P3.20 bawat litro at oil price hike sa premium ng P3.20/L.
Ang oil price adjustment ay kasunod ng una at natatanging pagkakataon na nagbaba ng presyo ang mga kompaniya ng langis ngayong taon noong Marso 22.
Base sa latest oil monitor ng Department of Energy, nagresulta ito sa year to date adjustments na may net increase na P14.90 kada litro ng gasolina, P19.20/liter para sa diesel at P16.35/liter para sa kerosene.