-- Advertisements --

Naniniwala si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff  General Romeo Brawner na hindi solusyon ang kudeta o military junta sa anumang problema na kinakaharap ng bansa kabilang na dito ang isyu sa pulitika.

Dahil dito nananawagan si Brawner sa sambayanang Filipino na magkaroon ng tiwala sa electoral process ng bansa at gamitin ang nalalapit na 2025 midterm elections bilang platform upang ipahayag ang kanilang mga isyu at ang mga pagasa para sa hinaharap.

Sinabi ng Chief of Staff sa dami ng mga problema na kinakaharap ng ating bayan kung anu-ano na lamang ang iniisip gaya ng kudeta o military junta.

Gayunpaman binigyang-diin ni Brawner na ang pinaka mabisang solusyon sa pag resolba sa mga kinakaharap na problema ng ating bayan ay ang halalan.

Binigyang-diin ni Brawner na ang eleksiyon ang siyang nagbibigay ng oportunidad sa ating mga kababayan na ilabas ang kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng pagboto ng mga lider na magta tama sa mga problema ng bayan.

 “Our call to the people is to use this election as a platform to express our desires by voting for the right individuals who will serve the country and our society,” General Brawner stated.

Ayon kay Brawner sisiguraduhin ng militar na manatili ang kanilang pangako na maging malaya, ligtas at mapayapa ang  2025 midterm elections.