Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na gumamit ng mga body cameras ang mga sundalo na nakipaglaban sa mga teroristang Maute nuong kasagdagan ng Marawi conflict.
Layon nito para makakuha ng mga live action footages at mai-record ang isinagawang operasyon.
Bahagi rin ito para mapag-aralan ng militar ang kanilang mga hakbang.
Ayon kay AFP spokesperson M/Gen. Restituto Padilla, ang nasabing mga body cameras ay inilagay sa mga helmets ng mga sundalo at uniporme habang nagsasagawa ang mga ito ng operasyon.
Pahayag pa nito na ang mga nakuha at mga naipon nilang mga videos mula sa Marawi ang siyang gagamitin ng mga training units patungkol sa military operations in urban terrain.
Inamin ni Padilla na nag-emergency procurement ang AFP para makabili ng mga Go Pro body cameras at patunay dito ang mga nakunang videos sa pag-rescue sa mga hostages at sa mga sugatang sundalo.
Aniya, plano na ng AFP na bumili ng mas maraming body cameras para magamit ng mga sundalo sa kanilang operasyon.
Tiyak naman si Padilla na may pondo silang inilaan para makabili ng mga body cameras.
“Yes. We anticipate na iyung mga ganitong mga gawain na maraming pakinabang, magiging parte na iyan sa mga susunod na galaw ng military na meron na silang kasama or dala dalang camera na magre-record ng manilang mga galaw para or ng sa ganun na do-document natin ang mga ganito at kung saka-sakali may magco-complain mayroon tayong basehan. Bukod doon, malaking bagay ito sa pagsasalin ng mga natutunan sa mga nangyaring pangyayari nang sa ganoon iyung mga tropa natin na susunod may makukuha or mapupulot silang aral ng maiwasan na ang mga pagkakamaling nagawa na natin,” pahayag pa ni Padilla.