-- Advertisements --

Repleksyon umano ng “evolving image” ni Luis Manzano ang pinagbasehan kung bakit kulay pink ang isinuot nito sa naging pag-iisang dibdib nila ng kapwa artistang si Jessy Mendiola.

JessyLuis Manzano

Paliwanag ito ng long-time stylist ni Lucky sa gitna ng mga intriga kung bakit pink ang suot ng groom na gawa ng designer na si Paulo Lazaro.

Nabatid na dati nang kinwestyon ang umano’y tunay daw na sekswalidad ng anak nina Edu Manzano at Vilma Santos-Recto.

Ayon sa stylist na si Rex Atienza, ikinonsidera nila ang pagiging TV host at endorser ni Manzano gayundin ang tema sa naging farm venue sa Batangas.

Akma aniya ang pink na mangibabaw, para sa karaniwang kulay green at brown sa bukid.

“I thought of an outfit that would be perfect for the venue and time of the ceremony. The weather and the sky were both perfect; it wasn’t too hot,” ani Atienza.

Una nang naging trending o usap-usapan ang nakuhanang close up photo ng 39yr old actor habang umiiyak sa kanyang kasal, kung saan game naman siya sa iba’t ibang memes.

Noong nakaraang buwan pa ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa ngunit nitong Easter Sunday lang isinapubliko ng newly wed.

Apat na taon silang naging magkasintahan bago naging engaged noong nakaraang taon.