-- Advertisements --
ALEX SPLIT PICS

ROXAS CITY – Pinaniniwalaan na malaking factor para lumobo ang bilang ng mga matatandang nahawaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Espanya ay ang kultura ng bansa.

Sa report ni Bombo International Correspondent Emily Lao, tubong Iloilo at nagtatrabaho sa Vigo, Spain, sinabi nitong kilalang active sa kanilang night life ang karamihan na mga taga Espanya at kahit matatanda ay makikitang umiinom sa mga bar.

Isa umano ito sa kanilang nakagawian kaya posibelng madaling kumalat ang virus sa ibang mga tao at dahil matanda na ay mahina na ang immune system kaya kadalasan sila ay namamatay.

Mahigpit ding ipinatutupad ang social distancing na isang preventive measure na pinapaalala ng gobyerno para makaiwas sa nasabing sakit.

Nanatiling sarado ang mga stores sa Vigo, Spain at patuloy lamang ang operasyon ng mga supermarkets, pharmacies at dalawang beses sa isang linggo lamang kung magbukas ang mga bangko.

Limitado rin ang biyahe ng bus at dalawang train lamang sa isang araw ang operational.

Nagbibigay rin ng groceries ang pamahalaan sa mga residente na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

Samantala pinalawig pa ng gobyerno ng labinlimang araw ang lockdown sa bansa para mapatigil ang pagtaas ng bilang ng mga na-biktima ng COVID-19.