-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY- Malaki umano ang naitulong ng kultura ng mga taga-Kalinga at topographical ng lugar para manatili silang COVID-19 free.

Ayon kay Donica Alyssa Mercado, information officer ng provincial government, nakaugalian na ng mga taga-Kalinga na hindi nagpapasok ng mga taga-labas ng kanilang komunidad tuwing anihan.

Tradisyon na rin aniya ng mga ito na tuwing may sakit ang isang tao sa kanilang komunidad ay hindi ito hinahayaang makapunta sa bahay ng iba.

Sinabi pa ni Mercado nakatulong din ang topographical feature ng Kalinga na pinapalibutan ng Sierra Madre mountains.

Pero higit sa lahat, hindi kagaya ng ibang lugar, hindi kasi aniya malaki ang populasyon sa Kalinga kaya nakatulong din ito sa kanilang COVID-19 response.

Nabatid na 77 ang suspected covid-19 case sa Kalinga mula February hanggang April 20, 35 ang nagnegatibo sa kanilang swab test habang ang iba pa ay natapos na ang kanilang 14 day quarantine.