Tiniyak ng isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na ang magiging detention cell ni Senator Leila De Lima sa PNP custodial center ay maluwag, disente at may sariling CR, kung sakaling dito siya ipa-commit ng korte.
Sa pahayag ng naturang opisyal ay sinabi nito na disente, dignified, safe at secured ang kulungan ng senadora.
Ayon sa isang PNP official na ayaw magpabanggit ng pangalan, ang capacity ng custodial center ay nasa 80.
Sa 71 inmates na nakakulong dati dito nasa 25 na lamang ito ngayon kasama sina Sen. Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
Dagdag ng opisyal, kung sakali ay tanging si De Lima lang ang magiging babaeng preso sa custodial center.
Inihayag ng nasabing police official na hindi magku krus ang landas ng tatlong senador dahil nasa kabilang bahagi ang kulungan no De Lima.
Sinabi ng nasabing opisyal na walang aircon ang kulungan pero may electric ito at may sariling CR.
Mag aalas-10:00 na ng umaga kanina ng isailalim sa booking process si Sen. De Lima sa CIDG headquarters matapos siyang arrestuhin sa senado kaninang umaga.
Bandang 8:45 ng umaga dumating sa Camp Crame ang convoy na sinakyan ng senadora, at agad na dumeretso sa CIDG headquarters.
Sinabi ni pnp spokesman P/SSupt. Dionardo Carlos na bago isinagawa ang booking procedure ay pinakain muna ng almusal ang senadora sa tanggapan ni CIDG chief Roel Obusan.
Matapos ang booking procedure, si delima ay dinala sa Muntinlupa regional trial court para sa presentation at return of warrant.