-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Pinag-aaralan na ng cybercrime security unit sa Camp Crame ang kumakalat na online scam na naglalaman ng holiday greetings ngayon sa social media.

Ayon kay Maj. Ranier Julio, chief forensic ng anti-cybercrime unit Region 1, expert na mga social hackers umano ang mga gumagawa ng online scam kung saan tinataon nila ito sa mga okasyon tulad ng pasko at bagong taon at nagsi-send ng mga holiday greetings kung saan makukuha ang contact details at friend list ng mga mabibiktima pagkatapos ay papadalhan ng mensahe na may malware.

Matagal na umano itong nangyayari hindi lamang napapansin.

Kaya maraming nagiging biktima ng online scam at financial fraud kabilang ang mga online bankings na nakukuha ng mga criminals.

Sa ngayon ay wala pa namang kaso ng online scam ang naitatala subalit patuloy ang pagmo-monitor ng anti-cybercrime unit Region 1 sa mga online na gumagamit ng mapanglinlang na post na naglalaman ng ransom ware.

Inaagapan na ito habang maaga para walang mabiktima.