CENTRAL MINDANAO – Nagbalik-loob sa pwersa ng gobyero ang isang field commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction) at labing tatlong mga tauhan niya sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay 602nd Brigade commander Colonel Jovencio Gonzales na sumuko sa tropa ng 34th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Edgardo Vilchez Jr ang grupo ni alyas Kumander Malayo sa Brgy Salunayan, Midsayap, Cotabato.
Kasabay na sumuko sa 34th IB at ni Mayor Ramil Dilangalen sa Northern Kabuntalan, Maguindanao ang isang alyas Nick Taro.
Isinuko ng mga rebelde sa militar at pulisya ang walong M1 garand rifles, Springfield cal. 30 sniper rifle, 7.62mm M14 rifle, 5.56mm M16 rifle, RPG, tatlong cal .45 pistols, mga bala at magasin.
Iprenisenta at pormal na tinanggap ang 14 BIFF nila Midsayap, Cotabato Mayor Romeo Araña at Northern Kabuntalan, Maguindanao Mayor Ramil ”Umbra” Dilangalen.
Sinabi ni 602nd Brigade commander Colonel Joven Gonzales na ang pagsuko ng 14 BIFF ay pinagsamang pagsisikap ng militar, pulisya, LGU at mga residente ng bayan.
Todo pasasalamat naman si 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander Major General Juvymax Uy sa mga tumulong sa negosasyon sa matagumpay na pagsuko ng mga rebelde.
Dagdag ni MGen Uya patuloy na palalakasin ng JTFC ang relasyon sa lahat ng pwersang panseguridad at Local Government Units para epektibong matugunan ang mga banta ng mga teroristang grupong sa bansa.