-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Matagumpay na nagbalik-loob sa gobyerno ang 1 BIFF Commander at 10 mga tauhan nito sa 33rd Infantry Battalion sa ilalim ng Task Force Central sa Barangay Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao.

Bitbit ng mga ito ang ilang matataas na kalibre nga armas na kina bibilangan ng (1) 60mm Mortar, (2) Caliber .30 Barret Rifle, (1) M14 Rifle, (2) Caliber .30 M1 Garand Rifle, (1) Caliber 5.56mm M16 Rifle, (1) Caliber .45 Pistol, (1) Caliber .45 Thong Ram Submachine Gun, two (2) Improvised Explosive Devices, at sari-saring mga bala.

Ayon kay Lieutenant Colonel Benjamin Cadiente Jr., Commanding Officer ng 33IB sumuko ang mga nasabing miyembro ng terroristang BIFF-Karialan Faction dahil umano gusto na ng mga itong magbagong buhay dahil sawa silang mamuhay sa kabundukan at makipaglaban sa mga kasundaluhan.

Sa ngayon isinailalim na ang mga sumukong BIFF members sa custodial debriefing and profiling at inindorso na rin ang mga ito sa Provincial Government ng Maguindanao para makuha ang livelihood packages at assistance sa ilalim ng AGILA-HAVEN Program.