-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang mataas na opisyal ng teroristang Dawlah Islamiya na naaresto ng mga kapulisan sa isang checkpoint sa bahagi ng Barangay Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao.

Kinilala ng Maguindanao Police Provincial Office (PPO) kinilala ang suspek na si Kalid Andalani Kalaing alias Kumander Kalid, residente ng Barangay Molon, Palimbang, Sultan Kudarat, at sinasabing sub-leader ng Dawlah Islamiyah Maguid group.

Nahuli si Kumander Kalid sa isang PNP checkpoint sakay ng isang pick-up mula sa Cotabato patungo sana ng bayan ng Isulan, Sultan Kudarat matapos ipinagbigay alam ng Sultan Kudarat PPO at PNP intelligence group sa Maguindanao PPO operatives na dadaan si Kumander Kalid.

Maliban pa sa pagiging mataas na opisyal ng Dawlah Islamiyah, pinaghahanap din si Kalid dahil sa kasong kasong carnapping with homicide.