-- Advertisements --

DAVAO CITY – Natukoy na ang identity ng New People’s Army (NPA) kumanders na nasawi sa naganap na sagupaan sa Sitio Langan, Goma, Digos City.

Kinilala ni Col. Adonis Bajao, commander ng 1002nd Infantry Brigade Philippine Army, ang mga namatay na sina Renato Castillote, kumander ng Front Committee 51, at Nestle Puledo, front secretary ilalim sa Southern Mindanao Regional Committee na kumikilos sa Davao del Sur.

Ayon sa tropa ng pamahalaan, ang grupo nina Castillote at Puledo ang naabutan nang magresponde sila sa reklamo ng mga magsasaka na may nananakot sa kanila na mga kasapi ng NPA sa Barangay Goma, Digos City.