DAVAO CITY – Nahuli sa isinagawang manhunt operation ng Digos PNP ang isang kumander ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao.
Natukoy ang nasabing lider ng NPA na si Rachel Cortez Daguman, 44, sekretarya ng Front Guerilla 51 at Southern Mindanao Regional Command (SMRC) at pinuno rin ng mga rebelde sa Sta. Cruz, Digos City at maging sa Agusan del Sur.
Kilala rin aniya ito sa mga alyas na Kumander Jasmin, Kumander Yude, Kumander A. Ray, Kumander Mary Ann Roilo Bravo at marami pang pangalan.
Sinasabing na-monitor ang kumander matapos na may makakilala rito nang ito ay magtungo sa public market sa San Francisco, Agusan del Sur.
Agad na naaresto si Daguman sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery with homicide na ipinalabas ni Judge Carmelita Sarno-Davin ng Regional Trial Court noon pang , 2008.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng Digos City Police ang nasabing kumander at hinihintay na lamang ang commitment order galing sa korte.