-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Bibigyan ng disenteng libing sa lokal na pamahalaan sa Surigao Del Sur ang bangkay ng kumander sa NPA na natagpuan sa Sitio Mahanon, Brgy Maitom, Tandag City, Surigao del Sur sa nakaraang araw, Setyembre 16, 2022.

Napag-alang natagpuan ang bangkay sa leader ng New People’s Army na si Noel Tumarlas Alacre, sa ilog sa Purok Carmelo, Sitio Mahanon, Brgy Maitom, Tandag City, Surigao del Sur.

Ayon kay POLICE COLONEL DENNIS SIRUNO, Officer-In-Charge sa Surigao del Sur Police Provincial Office na nakatanggap ng tawag ang Tandag City Police Station galing kay Carlito Cedron, Barangay Kagawad sa Barangay Maitom, Tandag City kung saan nag-imporma sa nakitang bangkay sa nasabing lugar. Nakasoot ito ng itim na buta at itim na sweatshirt na may logo sa New Peoples Army.

Ang nakaresponding mga personahe sa 36th Infantry Batallion, Philippine Army ang kumilala na ito ay si alyas MEGAN. Ang pagkamatay sa high value target NPA leader dahil umano sa hot pursuit operations na inilunsad sa Philippine National Police at 36th Infantry Batallion dahilang napilitan ang mga rebelde na tumawid sa ilog sa Tandag nitong gabi ng Setyembre 15, 2022 kahit na malakas ang agos.

Pasado alas 2:26 sa hapon sa Setyembre 16, 2022, ng matagpusan ang bangkay nito kasama ang baril na R4A3; mga bala at iba pang kagamitan.

Napag-alamang nahaharap ito sa 28 na Warrants of Arrest sa kasong kriminal.