-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Tinawag na duwag ni Col. Ronaldo Valdez, comanding officer ng 73rd Infantry Battalion si Kumander Yoyong ng Front Committee 72 ng New Peoples Army (NPA) na nagtatago dahil natakot itong mapatay ng kanyang mga kasama.

Ayon kay Valdez kinuha pa ni Yoyong ang salapi ng mga rebelde at inagaw pa ang asawa ng kanyang kasamang NPA .

Sinailalim umano sa disciplinary action si Yoyong dahil hindi na sinusunod ang kanyang tinig.

Ayon sa militar na kahit kapos na ang mga rebelde hindi umano sila magrelax at pabayaan na makabalik sa kabundukan ang grupo para maghasik ang grupo.

Nalaman na marami na sa tauhan ni Kumander Yoyong ang bumaba ng kabundukan at namuhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.