-- Advertisements --

Nasa 10 na ang nagsumite ng kanilang opposition sa substitution ni dating National Youth Commission (NYC) Chair Ronald Cardema bilang kinatawan ng Duterte Youth.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, posible umanong pag-isahin na lamang nila ang mga petisyon saka ito aaksiyunan.

Nilinaw naman ng Comelec na ang naiproklama noong Miyerkules, Mayo 22 ay ang Duterte Youth Partylist at hindi si Cardema.

Maliban sa mga opposition kay Cardema, kinuwestiyon din ang edad nito bilang kinatawan ng naturang partylist group.

Sinasabing 30-anyos lamang dapat ang pasok na edad para mauupong kinatawan ng Duterte Youth pero si Cardema ay 33-anyos na.