-- Advertisements --

NAGA CITY- Bukas umanong magbigay ng tulong ang kumpanyang Polytrade sa sinumang naapektuhan ng nangyaring ammonia leakage na nagresulta sa fishkill sa Pili, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Romeo Plegino, kapitan ng Barangay Sagurong, sinabi nitong bukas man ang kumpanya na magbigay ng pinansyal na tulong lalo na sa mga taong naapektuhan ng naturang pangyayari.

Ayon kay Plegino, marami ang nagreklamo dahil sa mabahong amoy na tumambad sa mga residente na pwedeng makaapekto sa kalusugan ng mga bata at iba pang may sakit.

Maliban dito, hindi muna kakatay ng mga manok ang naturang kumpanya dahil pwede rin itong magresulta sa contamination ng naturang mga produkto.

Maaalala na biglang bumigay ang isa sa mga pipeline sa naturang kumpanya at doon sumingaw ang ammonia na ginagamit sa pagpapatigas ng yelo na nauwi sa pagkamatay rin ng isang ilog sa naturang lugar.