Inangkin ng Russia ang American-owned na kumpanya ng pagkain na Glavprodukt at upang ilaan at magsuplay ng pagkain sa mga Russian military, ayon sa mga ulat ang kumpanyang ito ang kauna-unahang American-owned firm na kinuha ng estado mula noong buwan ng Oktubre nang nakaraang taon.
Ayon kay U.S. Secretary of State Marco Rubio, magiging bahagi ng pagpupulong sa pagitan ng Estados Unidos at Russia ang paghawak ng Russia sa naturang kumpanya sa gitna ng mga negosasyon para tapusin ang digmaan sa Ukraine.
Nabatid na ang kumpanya, ay dating pag-aari ng Los Angeles-based na si Leonid Smirnov, na ngayon ay kontrolado na ahensya ng gobyerno ng Russia.
Inakusahan ng Estados Unidos si Smirnov na naglipat umano ng malaking halaga ng pera sa Russia, ngunit mariin itong i-tinanggi ni Smirnov at sinasabing ito ay isang “corporate raid” na naglalayong kunin ang kanyang kumpanya.