-- Advertisements --

Nangako ang kumpanyang Walt Disney Co. ng $15 milyon na tulong sa mga biktima ng malaking wildfire sa Los Angeles.

Maraming mga kabahayan kasi at ari-arian ang natupok sa Pacific Palisade wildfire.

Maging ang mga Hollywood celebrities ay hindi nakaligtas ang kanilang kabahayan na madamay sa nasabing sunog na nagresulta sa 16 katao na ang nasawi.

Magugunitang ilang Hollywood celebrities na rin ang nagbigay ng tulong sa mga biktima ng sunog habang ang ilan ay nagsagawa ng donation drive para makalikom ng pondo na pantulong sa mga nabiktima ng sunog.