-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Foreign Affairs na nasa proseso na sila ngayon ng kanselasyon sa pasaporte ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ginawa ni DFA-OCA Passport Division Acting Director Von Ryan Pangwi ang kumpirmasyon sa isinagawang ikalawang serye ng pagdinig ng House Quad Committee kahapon sa Kamara.

Sa paglalahad ni Pangwi sa naturang pagdinig, sinabi nito na nagsumite na sila ng liham sa Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation .

Layon ng sulat na ito na makumpirma kung ang biometrics ni Alice Guo sa passport data base ng kanilang ng DFA ay tugma sa hawak ng NBI na biometrics ni Guo Hua Ping.

Sa oras aniya na makumpirma , maaari na nilang makansela ang Philippine passport ni Alice Guo .

Kung maaalala, ipinag-utos ng Palasyo Malacanang na kanselahin na ang pasaporte ng pinatalsik na alkalde ng Bamban.