-- Advertisements --

Humina umano ang kumpiyansa ng mga konsyumer at negosyo sa ikatlong quarter ng taon na isinisisi sa COVID-19 pandemic.

Batay sa resulta ng Consumer Expectations Survey (CES) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumulusok sa record low na minus-54.5 percent ang consumer confidence index sa nasabing panahon, na pinakamababa mula noong 2007.

Bumaba rin anila ang business confidence sa ekonomiya sa ikatlong quarter kung saan sumadsad sa minus-5.3 percent ang overall business confidence index

Maliban sa nararanasang health crisis, sinisisi ng mga respondents sa survey ang mataas na unemployment rate, kakaunting miyembro ng pamilya na nagtatrabaho, mababa at binawasang sahod, at mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Negatibo rin ang pananaw ng mga negosyante bunsod ng epekto ng pandemya at community quarantine restrictions.

Pero ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, posibleng makabalik sa normal ang sitwasyon sa susunod na taon kung kailan inaasahan na magkakaroon na ng bakuna laban sa COVID-19.

“The results of CES show they are pessimistic for Q3 and Q4 but are optimistic for next year over the end of the pandemic and return to normalcy. The weak business sentiment was associated mainly with the continuing negative effects of COVID-19,” wika ni Diokno.

“However once a safe vaccine is developed, business sentiment should improve,” dagdag nito.