Binabantayan ng Department of Science and Technology (DOST) ang posibleng magiging epekto ng namumuung kumpol ng kaulapan sa labas ng Pilipinas.
Ang kumpul ng mga ulap na ito ay maliban pa sa isang Low Pressure Area (LPA) malapit sa teritoryo ng bansa.
Ayon sa weather agency na sinasaklaw ng DOST, maaaring mabuo ang kumpul ng kaulapan bilang isang Low Pressure Area (LPA) o tuluyang maging ganap na bagyo sa mga susunod na araw.
Ayon sa ahensiya, maaaring magdulot ang naturang sama ng panahon ng mga malawakang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Batay sa huling ulat ng weather agency, natukoy ang unang LPA sa layong 800 kilometro sa kanlurang bahagi ng Central Luzon habang ang kumpul ng kaulapan naman ay nasa silangang bahagi ng Mindanao.
Babala ng ahensiya, maaaring lalo pang titindin ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa, lalo na sa Visayas at Mindanao dahil na rin sa epekto ng mga ito.
Una nang ibinabala ng weather agency ang malalakas na mga pag-ulan na posibleng panimula ng La Niña phenomenon mula Hulyo, Agosto at Setyembre, habang ang mahinang La Nina ay maaari namang maranasan simula Oktobre hanggang sa huling bahagi ng 2024.