Namataan ang kumpulan ng aabot sa 50 barko ng China malapit sa Ayungin shoal bago ang magiging sunod na rotation and resupply (RoRe) mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa military outpost ng PH na BRP Sierra Madre sa naturang isla.
Base sa post sa online account ni dating United States Air Force official at dating Defense Attaché Ray Powell ang bilang ng Chinese vessels na namataan sa Mischeef Reef o Panganiban Reef ay tumaas mula noong nakalipas na linggo.
Karamihan aniya sa Chinese maritime militia na ipinakalat sa Mischief reef kung nasaan din ang Qiong Sansha Yu fleet ay dumami pa mula sa 12 noong nakalipas na linggo ay nasa 35 na ngayon.
Sinabi pa ni Powell na posibleng pinapanatili ng China ang presensiya nito sa lugar hanggang sa susunod na resuppy mission ng PH sa Ayungin shoal.
Ang Ayungin shoal ay 20 nautical miles mula sa mischief reef. Ang Ayungin din ay parte ng Kalayaan Island Group gayundin ng exclusive economic zone at continental shelf ng PH kung saan mayroong soberaniya, hurisdiksiyon at sovereign rights ang ating bansa.