-- Advertisements --

Inaalam na ngayon ng PNP ang lawak ng kuneksiyon ng naarestong Iraqi national sa Maute-ISIS terrorist group sa Mindanao.

Nabatid na pumasok sa bansa ang naarestong terorista noong kasagsagan ng Marawi siege at ASEAN Summit noong nakaraang taon.
Ayon kay PNP chief Police Director Gen. Ronald dela Rosa, may mga effort na silang ginawa para matukoy ang kuneksiyon ni Taha Mohammed Al Jabouri na naaresto ng mga intelligence operatives sa Malabiñas, Pampanga na miyembro ng teroristang Hamas.
Itoy matapos maglabas ng red notice ang mismong Iraqi embassy.
Si Al Jabouri ay isang chemist at engineer na experto sa paggawa ng bomba at rockets kung kaya ito ang nagsisilbing consultanf ng Hamas sa Damascus, Syria.
Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Bureau of Immigration at sa Iraqi embassy sa bansa para sa kaukulang disposisyon kay Al-Jabouri.
Sa ngayon wala pang kasong isinampa laban kay Al Jabouri na may kaugnayan sa terorismo tanging paglabag sa travel documents ang kahaharapin nitong reklamo.