-- Advertisements --

Hanggang ngayon, hindi pa rin tapos si US President Donald Trump sa kaniyang akusasyon na dayaan sa halalan na ginawa umano ng kampo ni President-elect Joe Biden.

President Donald Trump 1

Sa kaniyang mensahe na tinawag niyang “Most Important Speech” sa kaniyang buong buhay, nagbabala ang Republican President na ilalabas nila ang ebidensya na may nangyaring dayaan sa katatapos lang na halalan sa Estados Unidos.

Ayon kay Trump, “maraming masamang bagay ang nangyari” sa panahon ng halalan.

Aniya, kung tama ang tungkol sa pandaraya hindi maaaring maging pangulo si Joe Biden.

Pinag-uusapan umano ang daan-daang libong mga boto at ang tungkol sa mga bilang ng kaniyang boto na hindi pa nakikita ng sinuman.

Ang mail at voting scam daw ay ang pinakabagong bahagi ng kanilang apat na taong pagsisikap na dayain ang mga resulta ng halalan at ito raw ay tulad ng pamumuhay sa impiyerno.

Nangako ang Pangulo na determinado siyang protektahan ang sistema ng halalan na naging sentro raw nang “pag-atake at pandaraya.”