-- Advertisements --

Naungkat sa budget deliberation ngayong araw ng Office of the Ombudsman ang kontrobersiyal na confidential funds ng ahensiya.
Tumaas kasi ang confidential funds ng Ombudsman para sa fiscal year 2024 na nasa P51.4 million kumparan nuong 2023 na nasa P31 million.

Ayon kay Ombudzman Samuel Martires kung pag-aawayan man lang ang confidential funds, hiling nito na tanggalin na ito sa kanilang budget.

Sinabi ni Martires, wala umanong problema kung kaunti o wala talagang ibibigay na confidential funds para sa kanila dahil kaya nilang pagkasyahin ang pondo na ibibigay sa kanila ng gobyerno.

Sa pagtatanong ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro kay Ombudsman Martirez kung papaano nila ginagastos ang confidential fund.

Sagot naman ni Martires na hindi magiging confidential fund ito kung magkakaroon ng resibo.

Aniya, walang papayag na intelligence officer na mag liquidate kung ito ay naatasan sa isang misyon.

Giit ni Castro dapat alam ng Ombudsman ang Joint Circular na nag-aatas sa lahat ng ahensiya ng gobyerno para magkaroon ng proper liquidation sa kanilang confidential funds.

Tinanong din ni Rep. Castro kung nag sumite ng kanilang SALN sina Pang. Ferdinand Marcos Jr at Vice President Sara Dutete.

Tugon ni Martires nakapag sumite ang dalawang mataas na opisyal ng bansa ang kanilang SALN.

Samantala, nilinaw din ni Martires na walang batas na nag-aatas para magsagawa ng lifestyle check sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan.

Paglilinaw ni Martires na ginagawa nila ang lifestyle check kapag sangkot sa isang kaso ang isang opisyal o empleyado at mayruon itong unexplained wealth.