-- Advertisements --

Hindi pa rin umano nawawalan ng pag-asa si Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na papahintulutang maglaro bilang local sa FIBA World Cup si Fil-Am guard Jordan Clarkson.

“Kung siya mismo, hindi nawawalan ng pag-asa, dapat tayo din hindi mawalan ng pag-asa,” wika ni Guiao.

Matatandaang muling inihayag ni Clarkson ang kanyang commitment na maglaro para sa Pilipinas sa international competitions nitong weekend.

“I’m just standing ready, working out,” wika ng Cleveland Cavaliers star. “If I get the opportunity, it will happen.”

“If not, it is what it is, I’ll just suit up for another time.”

Ibinahagi din ni Guiao na mayroong mga indibidwal na tumutulong sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) upang makuha ang pagsang-ayon ng FIBA bago ang World Cup sa China.

Gayunman, umaasa ang beteranong coach na makakakuha na sila ng sagot sa lalong madaling panahon.

“May mga effort naman, backdoor efforts, but yung probability nun and ‘yung chances, medyo mababa. But we’re still hoping,” he said. “We’re asking them to give us a timetable din kasi mahirap naman na maghintay ka ng maghintay sa wala.”