Muli nang naibalik ang kuryente sa Chernobyl nuclear power plant matapos na magbabala ang Ukraine sa mas mataas na peligro ng radiation leak sa oras na hindi maayos ang isang high-voltage na linya ng kuryente sa planta.
Ayon sa atomic energy ministry ng Ukraine ay nangangahulugan ito na ang mga cooling system ay muli nang gagana ng normal at hindi na kailangang gumamit ng backup power.
Samantala, una nang sinabi ng energy operator ng Ukraine na Ukrenergo na ang naturang planta ay fully disconnected na mula sa grid ng kuryente at ang pagpapatuloy ng operasyong militar ay nangangahulugang walang itong posibilidad na muling maibalik ang mga linya.
Gayunpaman ay sinabi naman ng UN atomic watchdog na International Atomic Energy Agency (IAEA) na wala itong malubhang epekto sa kaligtasan sa lugar.