Nakatakdang iturn-over sa pangangalaga ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sumukong Sulu based notorious ASG leader na si Idang Susukan.
Sumuko si Susukan sa pamamagitan kay MNLF Chairman Nur Misuari kagabi sa Davao City.
Agad naman itong isinailalim sa medical examination sa Camp Quintin Mercado Hospital.
Ayon kay PNP chief dumaan sa booking procedure si Susukan kinuhanan ng mug shot, finger prints at iba.
Sinabi ni Gamboa, kanilang na-turn over si Susukan sa kustodiya ng AFP sa Kampo Aguinaldo.
Una nang isinilbi ng Davao police ang 34 warrant of arrest kay Susukan sa 23 cases ng murder, limang kaso ng kidnapping at serious illegal detention at anim na kaso ng frustrated murder.
Si Davao City police director Col Kirby John Craft ang nag-facilitate sa negosasyon para sa pagsuko ni Susukan na sinilbihan ng warrant of arrest.
Ayon naman kay AFP spokesperson M/Gen. Edgard Arevalo, kahit sumuko sa otoridad si Susukan hindi pa rin ito ligtas sa batas.
Sa pagsuko ni Susukan, siniguro ni Arevalo na susunod ang AFP sa rule of law at sa legal processes.
Ayon pa kay Arevalo, batid nila ang ulat hinggil sa presensiya ni Idang Susukan kasama si MNLF Chair Nur Misuari.
Nakahanda naman ang AFP na tumulong sa PNP kung kakailanganin ito.