-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police na nailipat na ang kustodiya ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail.

Ito ay matapos na ipag-utos ng Pasig City RTC ang paglilipat ng pasilidad sa kontrobersyal na Pastor noon pang November 22.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo , inihatid ng mga tauhan ng PNP si Quiboloy bilang pagtalima sa kautusan ng korte.

Kung maaalala, mula ng maaresto ito ay naikustudiya na sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame habang nanatili rin ito sa Philippine Health Center para sa kanyang medical concern.

Nahaharap si Quiboloy sa patong-patong na kaso kabilang na ang child and sexual abuse at non-bailable qualified human trafficking sa Pasig RTC.