-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagdulot ng takot sa mga sibilyan ang mga putok ng kanyon at mortar nitong alas-3:30 ng madaling araw sa lalawigan ng Maguindanao.

Binomba ng mga sundalo gamit ang 105mm howitzer cannon at mortar ang posisyon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao.

Sa ulat ng militar namataan nito ang grupo ni Shiek Ismail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraifie na nagbabalak umanong umatake sa mga kampo ng militar kaya inunahan na ito ng Joint Task Force Central.

Lumikas naman ang mga sibilyan patungo sa ligtas na lugar sa pangambang maipit sa gulo.

Unang naiulat na buhay pa umano si Kumander Abu Toraifie at palibot-libong lamang sa SPMS box at Liguasan Delta.

Sa ngayon ay hindi pa matiyak ang bilang ng mga nasawi at nasugatan sa magkabi lang panig.