CENTRAL MINDANAO- Nabulahaw ang pagtulog ng mga residente alas 3:00 ng madaling araw nitong Huwebes nang binomba ng Philippine Air Force ang kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa SPMS Box sa lalawigan ng Maguindanao.
Sa ulat ng 601st Brigade namataan ang grupo ng BIFF sa SPMS box kaya pinaputukan ito ng militar gamit ang 105 mm Howitzers Cannon.
Umarangka rin ang dalawang fighter aircraft ng Phil Air Force at binomba ang mga terorista.
Umakyat na sa 17 ang nasawi sa BIFF,26 sugatan at tatlo sa militar.
Lomobo naman ang bilang ng mga sibilyan na lumikas sa mga bayan ng Datu Saudi Ampatuan,Datu Unsay,Mamasapano,Shariff Aguak,Datu Salibo at Shariff Saydona Mustapha.
Patuloy naman ang pamamahagi ng tulong ng Provincial Government at BARMM sa mga bakwit.