CENTRAL MINDANAO-Binulahaw nang sunod-sunod na putok ng 105mm Howitzers Cannon alas 3:30 ng madaling araw nitong Lunes ang kuta ng mga terorista sa Maguindanao.
Ayon sa ulat ng 6th Infantry (Kampilan) Division na namataan ng mga sundalo ang mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa SPMS Box.
Kaya muling nagsagawa ng artillery bombardment ang Joint Task Force Central laban sa mga rebelde.
Nagdulot naman ito ng takot sa mga sibilyan na lumikas patungo sa mga ligtas na lugar.
Unang sinabi ni 6th ID Spokesman Lieutenant Colonel John Paul Baldomar na nagsagawa ng calibrated law enforcement operation ang Joint Task Force Central para mapigilan ang masamang plano ng mga terorista,kagaya nang pananalakay at pambobomba.
Sa ngayon ay umakyat na sa pito ang nasawi sa BIFF at marami ang nasugatan sa operasyon ng militar sa Maguindanao.