-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binulahaw ng mga putok ng kanyon ang probinsya ng Cotabato at Maguindanao magdamag nitong Huwebes.

Target ng Joint Task Force Central ang kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa SPMS Box sa Maguindanao.

Abot ng probinsya ng Cotabato ang lakas ng putok ng 105 mm Howitzers cannon kaya nakadama ng takot ang mga residente at halos hindi makatulog.

Matatandaan na apat na BIFF ang nasawi at marami ang nasugatan nang magsagawa ng focused military operation ang Joint Task Force Central sa Barangay Nabuntas Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Lumobo na rin ang bilang ng mga sibilyan na lumikas sa mga lugar na target ng militar sa kanilang operasyon laban sa mga teroristang BIFF.

Maraming mga myembro na rin ng BIFF ang sumuko sa militar at pulisya sa lalawigan ng Maguindanao.