-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nakubkob ng Joint Task Force Central ang maliit na kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa probinsya ng Maguindanao.

Dahil sa iinaigting pa focused military operation laban sa BIFF inabandona nito ang kanilang kampo sa Barangay Pilar South Upi Maguindanao.

Bago lang ay naglunsad ng air to ground assault ang militar laban sa mga terorista.

Sinabi ni 57th Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenat Colonel Jonathan Pondanera na ang direktiba ni 6th ID chief Major General Juvymax Uy ay tuloy tuloy ang operation hanggang sa tuluyang manumbalik ang kaayusan sa bayan ng South Upi

Aniya ang kaligtasan at kapakanan ng mga sibilyan ang prioridad ng military.

Bukod sa ground troops ay merong pang attack helicopters at artillery ang ginamit.

Hindi matiyak ni Pondanera kung may mga nasawi sa panig ng BIFF ngunit sa pahayag ng mga sibilyan umaabot sa 9 ang napatay sa mga terorista.