-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagsilikas ang mga sibilyan nang maglunsad ng Artillery at mortar fires ang Joint Task Force Central sa pinagkukutaan ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiyah terrorist sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander Maj. Gen. Juvymax Uy na target nila ang mga lugar kung saan nagtatago ang BIFF.

Nagpakawala ng artillery at mortar fires ang militar sa SPMS Box at Liguasan Delta.

Sentro ng pambobomba ng militar ang mga liblib na lugar ng Shariff Saydona Mustapha, Datu Piang, Datu Salibo, Mamasapano, General Salipada K Pindatun (GSKP) at mga karatig bayan.

Sinabi ng ilang mga bakwit na may mga nasawi na at mga nasugatan sa BIFF ngunit hindi pa makompirma ng mga otoridad.

Siniguro naman ni Gen Uy ang seguridad at kaligtasan ng mga sibilyan sa kanilang operasyon laban sa mga terorista.