-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakubkub ng militar ang abandonadong kuta ng Communist New People’s Army Terrorist sa Sitio Tabionan, Brgy. Bucari, Leon, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lieutenant Colonel Harold Garcia, Commanding Officer ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army, sinabi nito na ang mga residente mismo ang nagbigay alam sa mga otoridad sa pinagkukutaan ng mga rebelde na kasapi ng Sibat platoon ng Southern Front ng Kilusang Rehiyon–Panay.

Narekober naman sa lugar ang 15 mga tents, at mga personal na gamit nga mga rebelde.

Maliban dito,narekober rin sa lugar ang dalawang M16 Assault Rifle.

Napag-alaman na bago dumating ang militar, nagawa namang makatakas ng mga rebelde sa lugar.