-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nangangamba ang isang lalaki na hindi na kailanman makakatrabaho matapos madiskubreng mayroon pang nakabaong kutsilyo sa loob ng kanyang katawan.

Lumabas sa x-ray result ni Kent Ryan Tomao na taga-Kidapawan City, North Cotabato na may kutsilyo pa sa loob ng kanyang katawan matapos itong suma-ilalim sa X-ray procedure para sa kanyang aaplayan sanang trabaho sa isang mining company sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur.

Nalaman na nasaksak ito sa Kidapawan City mahigit isang tao na ang nakakaraan matapos aniya makursunudahan lamang kungsaan dinala siya sa public hospital sa Kidapawan City at dito tinahi ang natamong saksak.

Nananawagan ngayon ng hustisya ang pamilya at mga kaibigan ni Tomao sa ospital na pinagdalhan nito upang makuha ang kutsilyong nasa loob pa ng kanyang katawan.