-- Advertisements --

Nararapat na panagutin ang gobyerno ng Kuwait sa pagkamatay ng overseas Filipino worker (OFW).

Sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) chairman Balanga Bishop Ruperto C. Santos, na isang paglabag sa panig ng Kuwait sa pinirmahang kasunduan nila ng Pilipinas.

Umaasa naman ito na hindi titigil ang gobyerno ng Pilipinas hanggang hindi makamit ng OFW na si Constancia Lago Dayag ang hustisya.
Nauna rito napatay ng kaniyang amo ang 47-anyos na si Dayag.