-- Advertisements --

Tinanggal na ng gobyerno ng Kuwait ang COVID-19 restriction sa mga indibidwal na naturukan na ng COVID-19 vaccines.

Sinabi Kuwait Prime MInister Sheikh Sabah Khaled Al-Hamad Al-Sabah na niluwagan na nila ang paggalaw ng mga “fully vaccinated” individuals.

Magiging fully operational na rin ang kanilang paliparan simula Oktubre 24.

Dahil sa pababa na ang kaso ng COVID-19 ay pakonti-konti ng binubuksan ng kanilang gobyerno ang kanilang ekonomiya.

Paglilinaw pa rin ng gobyerno na mananatili pa rin ang pagsusuot ng mga face mask sa mga pampublikong lugar.