-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kuwaiti government katuwang ang pulisya sa nangyaring sunog sa building na nagseserbeng housing at dormitory facility para sa mga dayuhang workers ng isang Kuwaiti construction company sa Al-Mangaf, Kuwait.

Inihayag ni Bombo International Correspondent Joy Escultura-Galvan na kahit may naaresto na ang mga awtoridad sa Kuwait sa pagkasunog ng gusali na ikinamatay ng 50 katao ay pinaigting pa rin ng pamahalaan ang imbestigasyon upang mapatunayan kung sinadya o aksidente lamang ang sunog.

Nakakalungkot aniya na may mga pinoy na nasawi dahil sa soffucation matapos na walang madaanan papunta sanang roof top upang makaligtas dahil sarado ang pinto ng madaling araw.

Tatlong katao aniya ang nakakulong at isasalang sa pagdinig dahil sa suspected manslaughter at posibleng kapabayaan.

Tiniyak aniya ng Kuwaiti government na hindi nila pababayaan ang mga naging biktima ng sunog kung saan, ang mga labi ng 45 Indian nationals ay naiuwi na sa kanilang bansa.

Dagdag pa ni Galvan na umaasa silang mga overseas Filipino workers na wala nang gaya nitong insidente ang mangyari sa mga hinaharap at umapela ang mga ito ng panalangin para sa kanilang kaligtasan sa ibang bansa.