-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Gagawing mas maluwang ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang mga kwalipikasyon sa pagpili sa mga benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP) sa lunsod.

Ayon kay ABC President at Councilor Micheal Lawana, alinsunod ito sa utos ni Mayor Benjamin Magalong.

Sinabi niyang mula ngayong araw ay isasailalim na rin sa evaluation ang mga tinatawag na Low Middle Class tulad na lamang ng mga taxi at jeepney operators na mayroon lamang 4 hanggang 5 unit, mga may ari ng boarding houses na nawalan ng kita, caretakers, private teachers, OFWs, Solo Parent at iba pang nangangailangan ng pinansyal na tulong.

Ipinag-utos ng alkalde ang pag-imprenta ng 20,000 na SAC forms para sa nasabing programa sa Baguio City.