Tumanggi si Vice President Sara Duterte na sagutin ang mga katanungan na may kinalaman sa isyu ngconfidential funds ng Office of the Vice President.
Ayon kay Duterte, hindi tamang tanungin siya tungkol sa naturang pondo dahil ang layunin ng hearing ay para sa 2025 budget ng kanilang opisina na aabot sa P2-billion at hindi dito kabilang ang 2025 confidential funds.
Sagot ito ni Duterte sa katanungan ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na may kinalaman sa notice of disallowance na iprinisinta ng Commission on Audit sa naturang pagdinig.
Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Appropriations, ipinakita ng COA ang inisyu nitong notice of disallowance sa P73 million na halaga ng confidential funds na ginastos ng Office of Vice President noong 2022.
Tinanong ni Castro si Duterte kung paano na disbursed ang P73 million halaga ng confidential funds na hindi naman sinagot ng bise.
Tinawag naman ni Duterte na insulting comment ang pahayag ni Castro kayat hiniling ni Sara kay Marikina Rep. Stella Quimbo na siyang tumatayong senior vice chairperson ng House budget panel na kung maaari ay payagan rin ito na magpahayag ng insulting comment .
Sinabi naman ni Quimbo na wala siyang nakikitang insulting comment sa naging tanong ni Castro.