-- Advertisements --

Nanguna si Kyle Kuzma sa kanyang 20 points sa first half pa lamang upang tulungan ang Los Angeles Lakers na tambakan ang Minnesota Timberwolves, 127-91.

Naging parte ng starting line-up si Kuzma dahil sa hindi paglalaro ng kanilang bigman na si Anthony Davis bunsod ng bruised calf.

kyle kuzma

Nagpadagdag naman sa kamalasan ng Wolves ang kawalan din ng kanilang sentro na si Karl-Anthony Town na may seryosong pilay na tinamo sa kanyang kaliwang kamay.

Ito na ang ikalawang panalo at isang talo ng Lakers habang lumasap naman ng unang talo ang Timberwolves sa kanilang tatlong laro.

Nasayang ang pagpapakitang gilas ng No. 1 pick ng Timberwolves na si Anthony Edwards na kumamada ng 15 points o 6-of-21 shooting.

Sa kampo ng Lakers si LeBron James ay nag-ambag ng 18 points.

Gayunman posibleng hindi makalaro bukas si James bunsod ng napilipit ang kanyang bukong-bukong.

Sa kabilang dako, hindi rin naman nagpahuli si Marc Gasol na nagpasok ng 12 points, eight assists at seven rebounds sa loob lamang ng 21 minutes.

Walang humpay ang ginawang pag-atake Lakers sa ring gamit ang nakakabulag na 32 assists.

Samantala, napantayan na ni James si Kevin Garnett sa ikaapat na puwesto sa NBA history na umiskor st 10 points para sa 1,260th.

Ang sunod na laro ng Timberwolves ay laban sa Clippers sa Miyerkules.

Dadayo naman ang Lakers sa Portland sa Martes.